MAKALIPAS ang dalawang buwan, kuwestyunable pa rin sa Independent Minority Bloc kung bakit wala pang kasong nabubuo sina Justice Sec. Leila de Lima at government peace panel chair Miriam Coronel Ferrer maging ang pag-aresto sa mga sangkot sa pagpatay sa SAF 44 sa Mamasapano noong January 25.
Ayon kay IMB Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, “So our question is has anything been done at all? Can the widows or kin of the SAF 44 still expect justice for the slaughter of their husbands, sons or brothers.”
Pangungunahan na rin ng IMB ang pagpapaimbestiga sa kawalan ng aksyon ng administrasyong Aquino na mabigyan ng hustisya ang SAF 44 kahit naka-recess ang KOngreso.
Iginiit pa ni Romualdez na ngayong nagsumite na ng report ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ukol sa insidente ay wala ng maaaring idahilan sina de Lima at Ferrer para kilalanin ang mga MILF members na sangkot sa pagpatay sa SAF 44.
Maging ang paulit-ulit na deklarasyon ng liderato ng MILF na hindi isusuko ang mga sangkot sa pagpatay ay nangangahulugan lamang na kilala ng mga ito ang pumatay subalit walang pagpupumilit mula sa administrasyong Aquino na isuko na ang mga ito.
“Adding insult to injury is the fact that instead of ensuring justice for the SAF 44, the government is already pushing heaven and earth for the passage of the proposed Bangsamro Basic Law untouched. So whose side is the government on, the MILF or the Filipino people?,” pagtatanong pa ni Romualdez. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment