Monday, March 30, 2015

Pagbitay sa Pinay sa Indonesia, maisasalba pa – Binay

TINIYAK ni Vice-President Jejomar Binay sa pamilya ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia na may legal remedies at options pang natitira para mailigtas ang OFW.


Una rito, nakipagkita sina Celia at Cesar Veloso, magulang ni Mary Jane sa Bise Presidente sa Makati City Hall para pag-usapan ang mga hakbang ng gobyerno para maisalba ang buhay ng kanilang anak.


Ayon kay Binay, presidential adviser on OFW concerns, hinihintay na lamang nila ang tugon ni Indonesian President Joko Widodo kaugnay sa kanilang apela na ibaba ang sentensya ni Mary Jane mula sa parusang bitay.


Inatasan na rin niya si Assistant Foreign Affairs Sec. Minda Calaguian-Cruz na maghain ng pangalawang petisyon para sa judicial review sa kaso ng Pinay.


Ang 30-anyos na si Veloso ay senentensyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad matapos mahulian ng 2.6 kilograms ng heroin sa Yogyakarta Airport noong Abril 2010. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbitay sa Pinay sa Indonesia, maisasalba pa – Binay


No comments:

Post a Comment