IPINAHAYAG ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na hihintayin pa nila ang direktiba mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapalikas ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Yemen.
Ayon kay Baldoz, naghahanda na ang gobyerno sa posibleng repatriation ng mga Pilipino sa Yemen dahil sa kaguluhan doon.
“We are awaiting the Department of Foreign Affairs (DFA)’s request and if necessary we are ready to assist in the repatriation,” ani Baldoz.
Maliban dito, wala pa rin silang natatanggap na request mula sa mga OFWs sa Yemen kung gusto na nilang umuwi sa bansa.
Sa kabila nito, inabisuhan pa rin ni Baldoz ang mga recruitment agencies ng mga Filipino workers sa Yemen na maghanda sa repatriation.
Iginiit naman ni Baldoz na noong Pebrero pa ipinatupad ang total ban sa deployment ng OFWs sa Yemen.
Karamihan din sa mga skilled workers ay nagdadalawang-isip na iwan ang kanilang trabaho. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment