NORMAL pa ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEx) at South Luzon Expressway (SLEx) ngayong Martes Santo.
Iniulat na maayos ang daloy ng trapiko sa lahat ng kalsada papasok ng expressway pa-norte kabilang ang Balintawak, Mindanao Ave. at Karuhatan.
Inaasahan ng pamunuan ng NLEx na Miyerkules Santo pa mula alas-12:00 ng tanghali mag-uumpisang dumagsa ang mga motorista hanggang Huwebes Santo ng tanghali.
Sa mga pa-Timog naman ng Metro Manila, ibinalita ni SLEX Traffic and Safety Management chief Chito Silbol na maluwag pa rin sa ngayon ang sitwasyon.
Sa tala ng SLEx, madalas na nagkakaroon ng unang pagbuhos ng mga motorista tuwing Biyernes at Sabado bago ang Holy Week. At kaya nitong nakaraang linggo nga ay nagkaroon ng pagbigat sa Calamba Toll Plaza at Sto. Tomas patungong STAR Tollway.
Ang sunod na bugso nito ay ngayong Miyerkules.
Bukod sa mga ipakakalat na ambulant tellers oras na bulto na ang mga sasakyan, mayroon na ring off-site toll collector booth sa mga gas station sa expressway (Shell, Petron – southbound at Caltex, Shell – northbound) para mapabilis ang transaksyon.
Hinihikayat na maghanda na rin ng eksaktong toll para mapabilis ang transaksyon at biyahe. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment