Tuesday, March 31, 2015

NANG-AASAR KA BA, MR. NOYNOY AQUINO?

BAGO ka maupo, tinawag mo kaming BOSS mo. Kesyo ihahatid mo kami sa Matuwid na Daan. Palakpakan lahat nang ipatigil mo na literal ang paggamit ng wang-wang. Pero ano nangyari?


Natuwa ang mamamayan sa pangako mo na pagbabago at pag-unlad. Lalo na sa sunod-sunod na pagsasampa ng kaso sa mga itinuro mong korap. Nagpakulong ka pa. Sina Juan at Maria ay pumalakpak sa tuwa.


Mahigit ka nang apat na taong President, G. Benigno Aquino III. Mula sa iyong panunumpa hanggang ngayon, wala kang sinabi na bago. Paulit-ulit. Puro kwento tuloy. Pero walang kwenta!


Tingnan mo ang iyong modernisasyon para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (AFP-PNP). SA PNP, namili ka ng libo-libong pistola at ripple pero kulang naman sa bala. May mobile pa pero nauubos sa mga politiko at tauhan mo ang kanilang gasoline.


Sa AFP, bumili ka ng dalawang barko na pandigma. Ipinagyabang mo iyan at ginamit para takutin ang mga mangingisdang Chinese mula China. Resulta, inangkin nila halos lahat ang isla natin! Asan na ‘yung mga barko mo?


Kailan lang, sumingaw ang baho sa Defense Department ni Voltaire Gazmin. Yes, sa ngalan uli ng iyong ipinagyabang sa SONA na modernisasyon. Sa halip na matuwa ang AFP, lalo na ang Philippine Air Force sa binili mo na 21 helicopter, nanggagalaiti sila sa iyo sa galit!


Aba, sino nga ang sasakay sa UH-1D na kulang-kulang ang piyesa? Sabi ng mga piloto, katumbas ng lumilipad na kabaong ang UH-1D. Sa mga taga DND-MalacaƱang na nagsasabing pareho lang ang UH-1D sa UH-1H, isama mo silang sumakay at paliparin nga ninyo ito papuntang Maguindanao?


Bakit hindi mai-deliver ‘yung F-50 jets ng South Korea na sabi ninyo inorder ninyo? Hep, hindi mga bago iyan batay sa inyong press releases, ha. Segunda mano pa rin. At least, consistent kayo sa moderisasyong luma lahat.


Bakit ayaw ninyong ilabas ang donasyon ng US Armed Forces na nagamit na nila ngunit parang bago pa rin ang LABING WALO NA TANGKENG PANDIGMA? Ang mga tangke ay parang bago, umaandar nang maayos at may mabibili agad na piyesa sakaling masira.


Bakit hindi ninyo tinanggap? Bakit, “BUMILI KAYO NG DALAWANG TANGKE NA SIRA NA NAMAN o LUMANG APC???!!!”


Sobra na ang kasakiman ninyo sa pera. Bilyon-bilyon na dapat ay ginamit sa serbisyong pangtao, ubos!


Huwag mong sabihin na “niloko at ginawa ka na naman tanga,” this time ng DND?


Nang-aasar ka ba, Mr. Aquino? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



NANG-AASAR KA BA, MR. NOYNOY AQUINO?


No comments:

Post a Comment