KAHIT ayaw na ni Pangulong Noynoy na pag-usapan pang muli ang sigalot sa Mamasapano, Maguindanao ay hindi pa rin makaiiwas ang ating Presidente sa pag-ungkat sa insidenteng ito.
Bubuhayin pa rin ang usaping ito sa Senado sapagkat wala pa talagang itong closure hangga’t tikom si Noynoy kung ano talaga ang papel ni suspended at resigned police chief Alan Purisima.
Kung natatandaan pa ninyo, sa kasagsagan ng bagyong Yolanda ay agad sinibak ang chief-of-police ng Leyte dahil sa kanyang sinabi na libo-libong mamamayan ng probinsyang ito ang namatay roon, isang bagay na malaking kasinungalinan daw sabi ni Noynoy.
Agad ding sinibak sa pwesto ang chief ng special action forces dahil sa pagkamatay ng apatnapu’t apat na pulis ng SAF.
Pero special case ang kaso ni Purisima. Kinailanganan pa na ang Ombudsman ang mag-suspend kay Purisima sa kasong katiwalian.
Sa kabila ng lahat ng ito at ang panawagan na mag-resign na ang chief PNP, nanatiling tikom ang bibig ng Pangulo hanggang si Purisima na ang “kusang” nag-resign, pero as chief PNP lang at hindi bilang isang pulis.
Dahil sa Mamasapano controversy na ayaw nang pag-usapan ng ating mahal na Pangulo, ang Senado natin ay muling uungkatin ang bagay na ito bagaman at isinara na ni Senadora Grace Poe ang paksang ito.
Ano kaya talaga ang birtod ni Pangulo sa ating chief PNP?
Malaki ang utang na loob ni Pangulong Noynoy kay Gen. Alan Purisima dahil, ayon kay Noynoy, iniligtas siya sa kamatayan ni Purisima nang lusubin ni Col. Gringgo Honasan ang Palasyo ng Malakanyang na kung saan naroon si noon ay Pangulong Cory Aquino.
Ganoon din naman ang palagay ni Noynoy tungkol kay noon ay mayor officer-in-charge Jojo Binay na itinuturing niyang tagapagtanggol ng pamilya Aquino.
Patuloy kayang makaiwas si Pangulo sa malaking sigalot na ito? DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment