Monday, March 30, 2015

Pagdalo ni PNoy sa Mamasapano hearing, pinatitiyak

HINILING ngayon ng Makabayan Bloc sa liderato ng Kamara na tiyaking makadadalo sa pagdinig ng Mamasapano incident si Pangulong Aquino.


Lumiham kina House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.,Negros Occidental Rep. Jeffery Ferrer, chairman ng House Committee on Public Order and Safety at Basilan Rep. Jim Hataman, chairman ng House Committee on Peace, Reconciliation, and Unity para obligahing padaluhin si PNoy.


Sa liham na ipinadala nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus, Kabataan Rep. Terry Ridon, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, at ACT Rep. Antonio Tinio ay hiniling ng mga ito na humarap si Pangulong Aquino sa imbestigasyon sa Mamasapano na gagawin sa Abril 7 at 8 ng Kamara.


Pagkakataon na rin umano ito ng pangulo upang sagutin ang maraming isyu at makapagpaliwanang matapos angalan na wala sa report ng Board of Inquiry (BOI) at Senado ang panig ng president ukol sa insidente na ikinasawi ng 44 SAF troopers.


Nais malaman ng Makabayan sa Pangulo ang kaalaman at partisipasyon nito sa Oplan Exodus na ikinasawi ng 67 na katao gayundin ang pakikialam umano ng Amerika sa operasyon sa Mamasapano.


Ilan pa sa mga katanungan na nais malaman ng mga militanteng mambabatas ay kung bakit hinayaan at pinayagan ni Pangulong Aquino si dating PNP Chief Director Gen. Alan Purisima na manguna sa operasyon sa kabila ng suspensyon dito ng Ombudsman.


“We believe that this will help serve the search for truth by the people-67 of our fellow Filipinos who lost their lives as a result of the encounter and the displacement and damaged livelihood caused to the affected communities as well as the demand of the Filipino people for the accountability from the responsible,” ayon pa sa liham na ipinalada kina Ferrer at Hataman.


Gusto ring malaman ng mga kongresista kung ano ang napag-usapan nina PNoy, Purisima at dating SAF Director Getulio NapeƱas sa pulong sa Bahay Pangarap noong January 9.


Kabilang pa sa mga katanungan ay kung may mga orders din ba ang Pangulo kina WESTMINCOM Commander Rustico Guerrero at AFP Chief Of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagdalo ni PNoy sa Mamasapano hearing, pinatitiyak


No comments:

Post a Comment