Sunday, March 29, 2015

KALOKOHAN SA CALOOCAN

ANO ba naman itong si Congressman Recom Echiverri. Hindi pa ba siya masaya sa ginagawa nitong pagsasalaula sa Caloocan at gusto pa niyang hatiin sa dalawang distrito ang kanyang distrito sa naturang lungsod?

Dahil ba sa malabo na talagang maibalik sa kanyang poder ang pamahalaang panlunsod kaya nais na niyang hatiin ang kanyang distrito?


Ayon sa press release ng Public Relations and Information Bureau (PRIB), naghain ng panukalang House Bill 5569 itong si Echiverri upang hatiin ang unang distrito ng Caloocan at gawin itong dalawang distrito.


Katwiran pa ng kamote, eh, mahalaga raw ang kanyang panukala dahil ito umano ang magbibigay ng pantay na representasyon sa kanyang distritong nasasakupan.


“The proposed two additional districts which will be carved out of the first district of Caloocan City would ensure a more reasonable representation of the people in the city in Congress, and enhance the delivery of basic services for the welfare of the people,” paliwanag ng kamoteng si Echiverri.


Sa kanyang panukala, eh, pinapangarap nitong si Echiverri na magkaroon ng dagdag na district representative sa kanyang balwarte na ang ibig-sabihin naman, eh, 12 na karagdagang pwesto sa city council.


Sino naman kaya ang maniniwala na kapakanan ng Caloocan at hindi ng iyong pamilya at kaibigan ang dahilan ng inyong HB5569?


Kung magkaroon ng dagdag na isang distrito sa balwarte nitong si Echiverri, mapapalakas nito ang nangangalumata na niyang karera sa pulitika ng Caloocan. Hindi nga ba’t noong 2013 elections, eh, inilampaso ni Mayor Oscar Malapitan ang anak ni Echiverri na si RJ Echiverri?


Ang problema ngayon, eh, tila nauubusan na ng kakampi itong si Echiverri, lalo na sa segundo distrito, kaya lalong lumalabo na mangyari na muli siyang makauupo bilang mayor ng Caloocan. Eh, baka nga si Rep. Egay Erice pa ang babasbasan ng Liberal at hindi siya ang ipansasabong sa 2016 mayoralty election.


Aba’y kapag nangyari ‘yan saan pupulutin itong si kamote?


Siyempre hindi magpapatalo pagdating sa gulang itong si Echiverri. Kahit hindi ito makapoporma sa grupo ni Malapitan pagdating ng 2016, maaari pa rin nitong kontrolin ang konseho ng Caloocan kung pahihintulutang magkaroon ng dalawang distrito ang unang distrito na siyang balwarte nito.


Ang galing ‘di ba? Well, sabagay kanya-kanya naman talagang gulang ‘yan.

Nasa mga taga-Caloocan na kung papayagan nila ang mga ganitong kalokohan.


***

Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestiyon ay mag e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


.. Continue: Remate.ph (source)



KALOKOHAN SA CALOOCAN


No comments:

Post a Comment