Sunday, December 29, 2013

Magtrapik at magtanggal ng mga bara ang gawin ng MMDA, ‘wag nang makialam sa showbiz

NANLUMO kami sa naging resulta ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards night. Kahit ang simpleng tao ay aangal sa kinalabasan ng parangal na ito.


Aba’y hindi ikararangal ng mga nanalo ang kanilang award dahil hindi naman sila deserving.

Imagine, si Maricel Soriano na kakapiranggot (kahit mahaba pa ito ay wala namang kuwenta ang papel na ginampanan) lang ang role sa ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’ ng Star Cinema ay nanalo ng Best Actress Award?

Samantalang ‘yung bidang si Vice Ganda na apat na katauhan ang ginanampanang papel ay hindi nanalo. Si KC Concepcion na nagpakita ng galing sa pag-arte sa ‘Boy Golden: Shoot To Kill’ (The Arturo Porcuna Story) na pinagbibidahan ni Laguna Gov. ER Ejercito at produced ng Scenema Concept at Viva Films at Graded A ng Cinema Evaluation Board ay talunan din at tanging Best Float lang ang nakuhang parangal. Akala namin kapag binigyan ng “A” ng CEB ang isang pelikula ito ay dekalidad na panoorin. Pinagmukha nilang tanga ang nagbigay ng gradong ito! O, baka

nagtanga-tangahan lang sila dahil pareho lang namang sakop ng Presidente ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na may hawak sa MMFF at CEB-politiko rin ang nagpapatakbo niyan kaya hindi nakapagtatakang pinulitika nila si Gov. ER na hindi kaalyado ni PNoy.


Halata ring pinaghigantihan nila ang mabait at mapagbigay na gobernador dahil hayagan itong tumutuligsa sa kapalpakan ng MMFF festival.


Aminado ang madlang pipol na tama lang na magkaroon ng awards ang ’10000 Hours’ ni Robin Padilla dahil Graded A rin ito, pero hindi puwedeng sabihing lampaso nila sa ganda ng pelikula ang ‘Boy Golden’ na katulad nila ay “A” rin. Pa’nong kahit isang awards, kahit sa technical man lang ay walang itong nakuha?

Katarantaduhan naman ‘yan! Ano ito, lokohan?


Dapat kasi nagtatrapik at nagtatanggal na lang ng mga bara sa imburnal ng Metro Manila ang MMDA. Pabayaan na nilang

taga-showbiz ang magpatakbo ng taunang festival na ‘to nang hindi napupulitika ang mga artistang hindi nila kaalyado.


***


KAPUSO PRIMETIME CINEMA, MAPAPANOOD NGAYONG LUNES


SIMULA ngayong Lunes (Disyembre 30), gabi-gabi nang mapapanood ang mga paboritong foreign movies tampok ang mga boses ng mga Kapuso artist sa Kapuso Primetime Cinema.


Mapupuno ng aksyon ang inyong gabi pagdating ng Lunes dahil sa American superhero film na Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer. Bibigyang buhay ang mga karakter ng mga boses nina Enzo Pineda, Lauren Young, Hiro Peralta, at ang Kapuso Heartthrob na si Alden Richards.


Pagsapit ng Martes, hindi dapat palampasin ang kulitan handog ng animated movie na Alvin and The Chipmunks: Chipwrekced kung saan gagampanan ni Benjamin Alves ang boses ng karakter ni Dave Seville.


Pinagbibidahan ni Will Ferrell, abangan sa Miyerkules ang boses ni Mike “Pekto” Nacua sa Christmas comedy film na Elf. Sundan ang kwento ng isang elf sa kanyang paghahanap sa tunay sa ama sa New York City.


Tuloy-tuloy ang tawanan hanggang Huwebes dahil sa pelikulang Tooth Fairy. Abangan ang boses ni Mike Tan na gaganap sa karakter ng hockey player na si Derek Thompson.


Sa direksyon ni Chris Columbus, tampok sa Biyernes ang mga boses nina Jake Vargas, Ken Chan, at Julie Anne San Jose sa fantasy movie na Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief.


Mapapanood ang Kapuso Primetime Cinema gabi-gabi simula Lunes pagkatapos ng Adarna sa primetime block ng GMA.


***


BOOBS NG BATANG AKTRES NA RETOKADO NAKALAYLAY NA


NAGTATAKA ang ilan sa paglaylay ng boobs ng batang aktres gayong retokado naman ito. Dapat daw diretso ‘itong’ nakaturo sa kaharap at hindi nakatungo sa ibaba. Kahit daw super lambot pa ang mala-gelly bag na ipinasok sa loob ng papaya nito, wala naman itong pabigat para lumaylay. Isa lang daw ang ibig sabihin nito, madalas itong lambitinan ni direk na siyang nagpagawa ng dibdib ng hitad na napapanood sa once-a-week show sa malaking network.


Pangalawang obserbasyon, yaman din lang na pinatangos na ang malapad nitong ilong, bakit daw hindi na tinapyasan ang magkabilang gilid nito para hindi na mukhang palapa ng niyog. May kilala kaming doktor na magaling sa pakiputan ng ilong na tinatahi sa ilalim at hindi binabawasan na kapag nagkamali ay hindi na maibabalik. Hindi katulad ng kilalang doktora na walang kaalam-alam sa art. Basta na lang nito tinataasan ang ilong nang walang masusing pagpaplano kung babagay ba ito sa taong nagpagawa.


Sino sya?


***


Para sa inyong suhestiyon at komento, mag-text lamang sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Maaari rin kaming mapakinggan sa Star Na Star sa DWIZ 882khz 2-3 p.m. Lunes hanggang Biyernes. Mabalos!


The post Magtrapik at magtanggal ng mga bara ang gawin ng MMDA, ‘wag nang makialam sa showbiz appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magtrapik at magtanggal ng mga bara ang gawin ng MMDA, ‘wag nang makialam sa showbiz


No comments:

Post a Comment