Sunday, December 29, 2013

Firecrackers ban dahil sa oil leak, umiiral

Inihayag ni Makati City Mayor Jejomar Erwin S. Binay na nananatili ang firecrackers ban sa tatlong barangay sa lungsod dahil sa oil leak sa 22-palapag na West Tower Condominium.


Ayon sa alkalde, ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa mga barangay ng Bangkal, Magallanes at Pio del Pilar dahil sa oil leak, alinsunod sa City Ordinance No. 2010-A-020.



“Although the cleaning phase of the oil leak has been ongoing for years now, the city government deems it proper to keep the ordinance in effect so that no further harm could befall our constituents,” ani Binay.


Ang mahuhuli o mapatutunayang lumabag sa firecrackers ban ay magmumulta ng P5,000 o anim na buwang makukulong. – Nannet Valle


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Firecrackers ban dahil sa oil leak, umiiral


No comments:

Post a Comment