Sunday, December 29, 2013

Chicken slaughter

Disyembre 29, 1997 nang sinimulan ng Hong Kong ang tatlong araw na pagpatay sa 1.3 milyong manok sa special administrative region, sa pagtatangkang mapigilan ang pagkalat ng Avian Influenza H5N1. Nagkaroon ng state of panic sa Hong Kong, makaraang makumpirma ang walong pagkamatay na may kaugnayan sa H5N1.



Pebrero 7, 1998 nang muling pahintulutan ng Hong Kong ang pag-aangkat ng buhay na manok mula sa Mainland China, matapos ang total depopulation ng manukan. Ngunit tiniyak ng Mainland Animal and Plant Quarantine Services ng China na walang H5N1 strain sa mga manukan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Chicken slaughter


No comments:

Post a Comment