UMAABOT na sa tatlong kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakubkob ng militar sa nagpapatuloy na law enforcement operation sa Maguindanao at North Cotabato.
Samantala sumipa na sa 21 ang namamatay sa panig ng BIFF at apat ang sugatan sa militar.
Tinatayang 10,000 mga sibilyan na ang nagsilikas sa inilunsad na air to ground assault ng militar sa Camp Katalicanan sa hangganan ng Datu Piang, Maguindanao at Pikit, North Cotabato.
Todo bantay naman ang awtoridad sa ilulunsad na diversionary tactics ng BIFF kagaya ng pambobomba kahapon sa bayan ng Datu Piang at dalawa ang nasugatan.
The post 21 BIFF na patay sa bakbakan, 4 militar sugatan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment