Friday, January 31, 2014

Umiskor na di nagbayad, tinaniman ng bala sa ulo

TIGOK ang isang lalaki nang taniman ng bala sa ulo matapos hindi makapagbayad sa kinuhang shabu sa Navotas City.


Dead on spot ang biktima na si Rogelio Busa, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Sto. Niño, Brgy. North Bay Blvd. South, nasabing lungsod.


Nagsagawa naman ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na kinilala sa alyas Ryan, ng Catleya St., nasabing lugar na mabilis na tumakas matapos ang krimen.


Base sa isinagawang imbestigasyon, alas-10:35 kagabi ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima nang maganap ang insidente.


Sa salaysay ng saksing si Alvin Abon Vigallo, 21, kaibigan ng biktima, nilapitan ng suspek si Busa kung saan ay sinisingil nito ang nasawi ng P1,800 na bayad sa shabu na kinuha nito kay Ryan.


Nang hindi maibigay ng biktima ang bayad ay agad na binunot ng suspek ang dalang baril at malapitang binaril sa ulo ang biktima.


The post Umiskor na di nagbayad, tinaniman ng bala sa ulo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Umiskor na di nagbayad, tinaniman ng bala sa ulo


No comments:

Post a Comment