NAGMATIGAS si Pangulong Noynoy Aquino na hindi dapat humingi ng paumanhin ang Pilpinas sa pamahalaan ng Hong Kong.
Ang pagmamatigas ng Pangulo ay kasunod ng pagpapatupad ng sanctions ng Hong Kong government sa Pilipinas kaugnay sa madugong Manila bus hostage crisis noong 2010.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma, ginawa na ng Pilipinas ang lahat ng mga ligal na hakbang maliban na lamang sa paghingi ng paumanhin ng Pangulo.
Gayunman, sinusugan ng palasyo ang naunang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa pagpapatupad ng suspensyon ng visa free access para sa mga opisyal ng gobyerno at diplomatic passport holders.
The post PNoy hindi hihingi ng sorry sa Hong Kong appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment