Friday, January 31, 2014

SUGAL TALAMAK SA RIZAL AT WILLIAM CAJAYON NG PASAY

burdado-jun-briones2 KONEKTADO raw siya kay Calabarzon RD C/Supt. Jesus Gatchalian.


‘Yan, parekoy, ang ipinangangalandakan nitong si Rizal Provincial Director S/Supt. Rolando Anduyan kaya hindi siya kayang sibakin kahit laganap ang iligal na sugal sa kanyang nasasakupan!


Katunayan ng kabalbalan o kainutilan nitong si Col. Anduyan ay ang kawalan nito ng hakbang sa iligal na sugal (bookies) ng gambling lord na si Bong Sola.


Ang masakit pa nito, parekoy, madalas kaladkarin mismo ni Bong Sola ang pangalan ni Col. Anduyan na kesyo ito mismo ang financier ng nasabing illegal gambling operation at siya (Sola) ay front lamang.


Pero sa kabila nitong mga pahayag ni Sola ay “silent to the max” lang itong si Col. Anduyan.


Anopa’t ang pananahimik ni Kernel ay pinaniniwalaan tuloy ng mga taga-Rizal na may katotohanan nga ang idinadakdak ni Sola.


Lalo pa’t sa pananahimik ni Col. Anduyan ay ayaw rin umano nitong iparatsada ang sugalan ni Sola!


At walang bukambibig si PD kundi “konektado” siya kay RD Gen. Gatchalian!

King-ina! Ang pagkakaalam ko PD na konek mo ang RD dahil sakop ng Calabarzon ang lalawigan ng Rizal!


Kung may iba ka pang nais ipakahulugan sa “konek” ay kayong dalawa na lang ni Gen. Gatchalian ang nakaaalam niyan!

Hak, hak, hak!


Sandali nga pala, Gen. Gatchalian, bakit nga ba hindi mo pa pinalalayas itong si Col. Anduyan gayong lantaran ang iligal na sugal sa kanyang erya?


Hmmmm, anong konek nga ba ‘yun? Ha?


-o0o-

Talagang gago itong si PO2 William Cajayon, ang tumatayong bagman ni Sr./Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City police.


Aba’y hindi pa nakuntento ang animal sa kanyang ipinangongolektong tuwing Biyernes na para umano kay hepe, pati ilang taga-media ay ipinangongolekta pa pala ng hinayupak!


Ayon kay Jojo, bagong hari ng VK sa Pasay City, wala umano siyang tinag dahil maliban sa kanyang konek kay Boyer na kaalyado ni Pasay City Mayor Antonio Calixto, maraming taga-media rin ang nasa kanyang listahan na ikinukuha nitong si Cajayon!


Tinatawagan natin ang pansin ni PNP Chief Alan Purisima, gumising ka, sir, dahil may ugong na pati pangalan mo ay ipinangongolektong na rin nitong demonyong si (dating) P02 William Cajayon!


Sandali nga pala, Pasay City COP Florencio Ortilla, totoo bang hindi raw sa iyo nagre-remit itong si Cajayon? Kundi sa isang “tisay” na nakatira sa isang apartment na “super-lakas” sa iyo?

Hmmm, ano ‘yan, Cedric Lee? Hak, hak, hak! Abangan!


Para sa reklamo: 09163902686


The post SUGAL TALAMAK SA RIZAL AT WILLIAM CAJAYON NG PASAY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SUGAL TALAMAK SA RIZAL AT WILLIAM CAJAYON NG PASAY


No comments:

Post a Comment