Thursday, January 30, 2014

Totoy hinostage ng may topak na lolo sa Navotas

DAHIL sa pagsugod ni Navotas Mayor John Rey Tiangco sa isang hostage taking, isang batang lalaki ang nailigtas sa kamay ng kanyang lolo matapos sumpungin ng topak sa Navotas.


Naaresto ang suspek na si Alejandro de Antonio, 55, ng Tabing Dagat, San Jose habang nasa ligtas nang kalagayan ang apong edad 7.


Sa ulat, alas-4 ng hapon nang i-hostage ng suspek ang apo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.


Namagitan naman ang alkalde sa suspek na palayain ang bata at pinagbigyan ang suspek na makausap ang kanyang anak na si Jenny.


Habang kausap ng suspek ang ina ng bata ay nagawa ng ilang pulis na makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay at madamba ang una.


Nakuha sa suspek ang hawak nitong patalim habang nailagay sa ligtas na lugar ang apo.


Nabatid na naging pasyente na ng National for Mental Health ang suspek.


The post Totoy hinostage ng may topak na lolo sa Navotas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Totoy hinostage ng may topak na lolo sa Navotas


No comments:

Post a Comment