Tuesday, January 28, 2014

Programang Ecological Solid Waste Management sa Marikina tinutukan

UPANG higit pang isulong ang programang Ecological Solid Waste Management (ESWM) sa Marikina, ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Environmental Management Office (CEMO) ay namahagi kamakailan ng kagamitan para sa recycling sa mga komunidad.


Ang pamamahagi na pinangunahan ni Mayor Del De Guzman ay isinagawa sa Freedom Park kasabay ng programa para sa lingguhang pagtataas ng watawat. Ang mga gamit na ipinamahagi ay binubuo ng compost bin na may kapasidad na 110 litrong basura na nabubulok, recycle bin para sa hindi nabubulok, pedicab para ipanghakot ng mga basura at information and education campaign materials hinggil sa tamang pagbubukod ng basura o waste segregation.


Unang nabiyayan ng proyekto ang 42 homeowners associations (HOA) sa lungsod na nabibilang sa first batch ng mga benepisyaryo.


Layon ng programa na makabuo at maipatupad ang sistema ng ESWM; makapagpatayo ng mga material recovery facility kabilang na ang pangangasiwa sa mga nabubulok na basura; makipag-ugnayan sa mga junkshop para sa mga hindi nabubulok at maaari pang mairesiklo o mapapakinabangang basura; maitaas ang waste diversity rate ng naunang 42 HOAs; magsagawa ng information at education campaign sa mga kabahayan ng tinukoy na HOAs at mapalawig pa ang pagpapatupad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.


Ang ikalawang pangkat ng benepisyaryong susunod na makakabilang sa proyektong ito ay binubuo ng 30 HOAs.


The post Programang Ecological Solid Waste Management sa Marikina tinutukan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Programang Ecological Solid Waste Management sa Marikina tinutukan


No comments:

Post a Comment