Wednesday, January 29, 2014

5 estado sa Amerika, nasa state of emergency na

DAHIL sa makapal na niyebe, apektado na rin ng polar vortex o matinding winter storm ang Southern United States.


Kabilang sa mga nakararanas ng snow storm ang Alabama, Georgia, Mississippi, Louisiana, Texas at ilang bahagi ng Florida states.


Bunga nito, libu-libong biyahero na rin ang stranded sa mga transport terminal dahil sa kapal ng niyebe.


Daan-daang estudyante rin ang nahirapang makauwi bunsod ng madulas na kalsada.


Tinaya naman sa negative 4 hanggang 21 degrees Celsius ang agwat ng temperatura sa mga nabanggit na lugar.


Samantala, bagaman hindi nakararanas ng winter storm, apektado na rin ng matinding lamig ng panahon ang Mexico makaraang makapagtala ng negative 6 degrees Celsius sa Hilagang bahagi ng bansa.


The post 5 estado sa Amerika, nasa state of emergency na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



5 estado sa Amerika, nasa state of emergency na


No comments:

Post a Comment