Wednesday, January 29, 2014

KUMUPAS NA SI SEN. SOTTO AT GAMBLING SA SOUTHERN

burdado-jun-briones2 HALOS matirintas noon ang bigote ni Sen. Vicente Tito Sotto III habang nakikipagdebate sa isyu ng Reproductive Health Bill.


Mandi’y sumisingasing pa si senador sa pagdepensa sa RHB dahil ayon sa kanya, “ang buhay ay sagrado!”

Ang tawag nga ni Sen. Sotto noon sa kanyang sarili ay “pro-life.”


At hindi ordinaryong effort, parekoy, ang puhunan ni Sotto sa pagiging “pro-life”, katunayan, ilang beses siyang na-cyber bully.

Kasi naman, sa sidhi ng kanyang pagdepensa sa “kasagraduhan ng buhay” ay humantong pa si Sotto sa pangongopya ng “speech” ng mga dakilang orador! Pero ngayon ay pinatunayan lamang ni Sen. Sotto na gaya ng panahon na lumilipas, gayundin ang paninindigan ng isang senador ay kumukupas!


Dahil kamakailan lang ay ipinasa nito ang Senate Bill 2080 na nagsusulong na maibalik na ang parusang kamatayan dito sa ating bansa.


Sa totoo lang, no probs tayo, parekoy, diyan sa panukala ni Sotto dahil isa tayo sa masusugid na tagasuporta na maibalik na ang parusang kamatayan. Para naman magkaroon ng kahit kaunting takot ang mga hijo de-putang masasamang loob na lantaran at walang pakundangan kung gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.


At para hindi maramdaman ang hatol na kamatayan ay may suhestyon pa nga tayo na hindi kailangang magastos ang execution at hindi rin masakit.


Dapat ang parusa ay patayin sa “pangingiliti.”


Para masayang papanaw ang animal! Hak, hak, hak!


Mabalik tayo saglit kay Sen. Sotto, paano ‘yan, sir, eh, hindi ka na pala

pro-life ngayon? Hehehe.


Ibig sabihin ba ay suportado mo na ang RH law na kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema?


Oyyy, aminin! Hek, hek, hek!


-o0o-

Wala pa ring tigil ang operasyon ng iligal na sugal sa nasasakupan ng Southern Police District.

Ang jueteng at bookies ng gambling lord na si Toto Lacson ay sa Bangkal, Makati pa rin nakabase.

Palibhasa “bestfriend” ni Vice President Jojo Binay! Hek, hek, hek!


Gayundin ang iligal na sugal ng BFF ni Mayor Tocalix na si Len Aguado ay patuloy pa ring namamayagpag sa Pasay City.

Ang nakapagtataka ay tahimik lang si C/Supt. Jose Erwin T. Villacorte gayong talamak na ang iligal sa kanyang “erya op respansibiliti!”


Op kurs, sa pananahimik, parekoy, ni Gen. Villacorte ay iisa lang ang nasa isip ng mismong mga pulis niya.

Na bundat itong si heneral mula sa dalawang nabanggit na gambling lord!


At, gaya ng dapat asahan, maging si SILG Mar Roxas ay tuluyan na ring tumiklop! May parating na rin kaya!


The post KUMUPAS NA SI SEN. SOTTO AT GAMBLING SA SOUTHERN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KUMUPAS NA SI SEN. SOTTO AT GAMBLING SA SOUTHERN


No comments:

Post a Comment