NITONG nakaraang Martes lamang ng gabi, Enero 28 nang makitaan ng sintomas ng rabies ang isang lalaking tinuklaw ng ahas at kinagat pa ng aso, halos isang buwan na ang nakararaan sa Aklan.
Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Aklan Provincial Hospital (APH) isolation ward ang biktimang si Eric Valeriano, 25, ng Barangay Maloco, Ibajay, Iloilo na nagpapakita ng hindi mapakali, mentally depressed, takot sa tubig at naglalaway na mga senyales ng taong tinamaan ng rabies.
Bago ito, nabatid na noong Enero 1 ay nasakmal ng asong kalye ang biktima at kinabukasan naman ay natuklaw ng ahas.
Pero imbes magpatingin sa doktor ay ginamot lamang nito ang sarili o sa pamamagitan ng paglalagay ng suka at bawang sa kanyang kagat.
The post Lalaking kinagat ng ahas at aso, naulol appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment