Friday, January 31, 2014

So lumalapit sa Top 10

PININTA na ng World Chess Federation (FIDE) ang top 100 woodpushers para sa buwan ng Pebrero 2014.


Ranked No. 1 pa rin si reigning World Champion GM Magnus Carlsen (elo 2872) ng Norway subalit ang magandang balita, ang Pinoy super grandmaster na si Wesley So ay sumampa sa top 20.


May elo rating na 2738 ang 20 anyos na si So sapat upang lumanding sa No. 18 sa buong mundo kung saan siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nahilera sa mga World Champions.


Isang puntos lang ang nilamang sa kanya ni former WC challenger GM Vassily Ivanchuk (elo 2739) ng Ukraine.


Mula sa 2719 nadagdagan ito ng 19 points matapos magpakitang gilas sa huling dalawang tournament nito, una sa PanAm Championships sumunod sa katatapos ng 2014 Tata Steel masters.


Umiskor ng 6-out-of-6 si So sa PanAms habang nagtala ng anim na puntos ang Pinoy sa 11 laro nito sa Tata Steel.


Ang mga nasa top 10 sa FIDE rating lists ay sina GMs, Levon Aronian (elo 2826) ng Armenia, Vladimir Kramnik (elo 2787) ng Russia, Veselin Topalov (elo 2785) ng Bulgaria, Fabiano Caruana (elo 2781) ng Italy, Alexander Grischuk (elo 2777) ng Russia, Hikaru Nakamura (elo 2776) ng USA, former world champion Vaswanathan Anand (elo 2773) ng India, Sergey Karjakin (elo 2766) ng Russia at Boris Gelfand (elo 2761) ng Israel.


Samantala, nalalapit na ang sophomore student ng Webster University So sa pakay nitong paabutin ng 2750 ang kanyang elo rating sa taong ito at dahil sa laki ng tinaas ng kanyang rating ay malakas ang tsansa nitong maabot ang kanyang minimithi sa susunod na tournament.


Plano ni So na maglaro sa tournament sa Marso o Abril sa USA.


The post So lumalapit sa Top 10 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



So lumalapit sa Top 10


No comments:

Post a Comment