Thursday, January 30, 2014

Grade 2 pupil utas sa trak sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Patay ang isang batang babae matapos masagasaan ng rumaragasang truck sa Sitio Balungdong, Shilan, La Trinidad.


Kinilala ang biktimang si Jeprill Sanil, grade 2 pupil, ng Shilan, nagtamo ng bone at head injury sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Samantala, ang driver na nakasuhan ng reckless driving resulting to homicide ay kinilalang si Jil Dionisio, 20, ng Buguias, Benguet.


Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang nakatatandang kapatid at nag-aabang ng pampasaherong sasakyan nang araruhin ng truck na minamaneho ni Dionisio, ikinamatay ng bata.


Patuloy ang imbestigasyon ang local na police hinggil sa insidente.


The post Grade 2 pupil utas sa trak sa Benguet appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Grade 2 pupil utas sa trak sa Benguet


No comments:

Post a Comment