Wednesday, January 29, 2014

Imbestigasyon ng BIR sa yaman ni Lee oks sa Malakanyang

SUPORTADO ng Malakanyang ang isasagawang imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue sa mga yaman ng negosyanteng si Cedric Lee, pangunahing personalidad na nambugbog sa aktor na si Vhong Navarro.


Mismong si BIR Chief Kim Henares ay inaming “curious” siya kung nagbabayad ng tamang buwis si Lee matapos ipangalandakan nito na marami siyang mga negosyo.


Lumalabas na may 14 kompanya si Lee at mga kasosyo pa ang ilang dating matataas na opisyal ng PNP.


Ayon sa Malakanyang, normal lamang ang gagawing imbestigasyon ng BIR.


Kung makikita namang anilang nagbayad ng tamang buwis si Lee ay wala nang problema rito.


Matatandaan na sa isang interview kay Lee ay itinanggi nitong kinokotongan nila si Vhong dahil kung pera lang ang pag-uusapan ay marami siya nito at katunayan ay marami siyang negosyo.


Nasangkot sa gulo si Lee matapos bugbugin si Navarro na inakusahan naman ng modelong si Deniece Cornejo na tangkang gumahasa sa kanya.


The post Imbestigasyon ng BIR sa yaman ni Lee oks sa Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Imbestigasyon ng BIR sa yaman ni Lee oks sa Malakanyang


No comments:

Post a Comment