Thursday, January 30, 2014

Donaire aagawin ang featherweight belt

AAGAWIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang WBA featherweight belt sa South African na si Simpiwe Vityeka.


Nasungkit ni Vityeka ang WBA 126-pound championship belt kay Chris John noong Disyembre ng nakaraang taon.


“Dati si Chris John ‘yung pinakamagaling sa division at natalo niya si Chris John. Dati gusto ko makalaban si Chris John. Since si Vityeka na ‘yung champion ngayon, si Vityeka na ‘yung gusto kong makalaban for the title,” sabi ni Donaire.


Bagama’t hindi pa naisasapinal ang kontrata para sa laban, asahang magiging isa ito sa pakaaabangang laban ngayong 2014.


Kinumpirma naman ni Top Rank Inc. chief executive Bob Arum na tinitingnan nila ang Cotai Arena sa Macau para pagdausan ng laban.


The post Donaire aagawin ang featherweight belt appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Donaire aagawin ang featherweight belt


No comments:

Post a Comment