Thursday, January 30, 2014

Taas-singil sa PhilHealth pinapipigil sa SC

DUMULOG na sa Korte Suprema ang grupong Kilusang Mayo Uno para hilingin ang pagpigil sa pagtataas ng premium contribution sa Philippine Health Corporation (PhilHealth) ngayong taon.


Batay sa petition for certiorari na inihain ng KMU, hiniling nito na magpalabas ng temporary restraining order ang SC laban sa pagpapatupad ng mas mataas na premium contribution sa PhilHealth na nakatakdang simulan ngayong buwang ito.


Naniniwala ang KMU na ang dagdag na bayarin para sa PhilHealth ay panibagong pasanin para sa mga manggagawa na kumikita lamang ng maliit na sahod.


Sa pamamagitan nito ay ipinapakita lamang din ng gobyerno na tinatalikuran nito ang responsibilidad sa pag-subsidize sa health services.


Ayon sa PhilHealth, ang mga manggagawang empleyado ay magbabayad na ng kontribusyon na katumbas ng 2.5-percent ng kanilang suweldo.


Sa ilalim din ng bagong sistema ng PhilHealth, ang mga miyembro na may buwanang sweldo na P8,999 pababa ay magbabayad na ng dalawang dang piso na kontribusyon, pero sa lumang bracket, ang mga miyembro na kumikita ng P7,999 pababa ay magbabayad ng P175 na monthly contributions.


The post Taas-singil sa PhilHealth pinapipigil sa SC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Taas-singil sa PhilHealth pinapipigil sa SC


No comments:

Post a Comment