Thursday, January 30, 2014

Sagupaan ng militar, NPA sa Sorsogon, 1 patay

ISA ang patay at dalawa ang sugatan sa sagupaan ng militar at New People’s Army (NPA) bandang alas-7:00 kagabi sa Cabid-an Sorsogon City.


Ayon sa inisyal na impormasyon, isa sa napatay ang hindi pa nakikilalang miyembro ng NPA, isang pulis at isang babaeng sibilyan.


Nagtago naman ang hindi pa mabilang na mga miyembro ng NPA sa bahay ng kinilalang si alyas “Kabisi” na ngayon ay planong lusubin ng mga militar na kinabibilangan ng 903rd Brigade,31st IB at PNP-Sorsogon.


Inilikas naman ang mga residenteng malapit sa pinangyayarihan ng bakbakan kung saan nagdulot ito ng takot at pangamba.


Marami rin ang stranded na mga pasahero dahil sa pagsasara ng pangunahing kalsada na apektado ng sagupaan habang nagpapatuloy ang operasyon ng tropa ng gobyerno.


The post Sagupaan ng militar, NPA sa Sorsogon, 1 patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sagupaan ng militar, NPA sa Sorsogon, 1 patay


No comments:

Post a Comment