Friday, January 31, 2014

Xian Lim, bastos sa mga babae!

HABANG nag-e-enjoy kami ng Chinese New Year dito sa Hong Kong, pinag-uusapan naman sa social media at ng ilang kasamahan sa press ang pambabastos diumano ni Xian Lim sa ka-look-alike ni Kim Chiu sa live countdown ng “Banana Nite” para sa Chinese New Year na ginanap sa tapat ng Sta. Cruz Church sa Manila.


Habang kumakanta si Xian ng “So It’s You”, pinalabas sa stage si Kim Chiu, ang ka-look-alike. Parang diring-diri diumano si Xian. Hindi lang isang beses na tinawag niya ang Kim Chiu Kalokalike as “Bea Binene” at may show raw sa GMA sabay layo na para bang mabaho ang girl.


Maraming comments sa FB na naawa sila sa ka-look-alike ni Kim dahil nagmukhang tanga sa stage dahil kay Xian.

Napaka-hard ng dating..napaka-rude. Parang walang galang sa babae.


Sabi nga ng isang entertainment editor: “Hindi manhid ang publiko para hindi maramdaman ang pambabastos niya sa ka-loka-like ni Kim Chiu sa Chinese New Year Countdown.


Nakuha rin namin ang comment ng isang staff ng Banana Nite: “Hi friend Roldan Castro medyo nagulat nga rin kami kay Xian. We know him as mabait and matino at game naman sa mga jokes sa show. At dahil comedy show kami, surprise ang paglabas ni Kim Chiu Kalokalike. ‘Di ito scripted. “Naisip kasi namin na parang prank na andu’n si Kim Chiu pero look-alike lang. Kaso nga lang, hindi n’ya sinakyan. In behalf of the show, lumapit ako kay Kim Chiu look-alike at humingi ng sorry. Ok lang naman daw.”


Mukhang nawiwili na si Xian sa pambabastos isyu. Una na rito ay nu’ng magreklamo rin ang kaibigang Jobert Sucaldito na nabastos sila ni Ahwel Paz habang kinakapanayam ito sa programa nila sa DZMM. Nag-walk-out daw si Xian nang tanungin tungkol kay Kim Chiu.


Sana ay maghinay-hinay siya at maging aware sa attitude niya. Baka ‘yan ang ikabagsak ng kanyang popularidad! Dapat humble pa rin siya kahit sikat siya ngayon dahil sa tulong ng love team nila ni Kim Chiu, huh!


Speaking of Banana Nite, magse-celebrate na rin sila ng first anniversary ngayong Febraury 25. Love month at anniversary month ng Kapamilya comedy show dahil 9th Anniversary na rin ng “Goin’ Bulilit” sa Februay 5 at 2nd anniversary rin sa February 25 ng youth oriented show na “Luv U.”


-0o0-

NAALALA tuloy namin ‘yung gimik sa prodyus naming show noon sa Binalonan, Pangasinan na kung saan tampok noon ang ka-loveteam ni Jolina Magdangal.

Kasagsagan noon ng popularity ng tandem nila pero nagkaroon ng ‘away’ factor hanggang mabuwag na.


May sorpresa ang production na biglang may papapasok sa entablado, ang impersonator ni Jolens na kung saan ay kinanta nito ang themesong ng pelikula nila.


Hindi rin sinakyan ang gimik sa stage at pinutol niya agad ang pagkanta ng impersonator ni Jolina. Nagmukha ring tanga ang impersonator at naloka lahat sa ginawa ng actor.


Naalala mo ba ‘yun, Rodel Fernando? Hahaha!


-0o0-

SA mga hindi nakapanood ng pilot week ng Rhodora X nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras at Mark Anthony Fernandez, may replay ngayong Linggo (Feb. 2) bago mag-Sunday All Stars sa GMA 7.


Tsuk!


The post Xian Lim, bastos sa mga babae! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Xian Lim, bastos sa mga babae!


No comments:

Post a Comment