Wednesday, January 29, 2014

KAYA BA NI NOYNOY SI DUCUT?

deep fried BINULAGA ng Meralco ang bayan noong Kapaskuhan nang ipahayag nito na ang presyo ng kuryente ay muling itataas sa isang nakahihilong antas.


Para sa marami ay karumal-dumal ang ginawang pahayag ng Meralco kaya’t maraming grupo ang nagprotesta.


As usual, ang sabi ng iba, walang reaction si Pangulong Noynoy Aquino sa kahindik-hindik na pagtaas ng presyo ng kuryente.


Ang paliwanag ng Meralco ay kailangang isara muna ang Malampaya Gas sa Palawan dahil kailangan ang isang maintenance check.


Dahil dito ay kailangan munang bumili ng mahal na kuryente ang Meralco sa kanyang mga suplayer na nagkataon namang mayroon ding maintenance check.


Umalma ang mga consumer group at dumulog sa Supreme Court na nag-issue naman ng isang temporary restraining order laban sa Meralco.


Ninais ding malaman ng Korte Suprema kung nagkaroon nga ng kutsabahan ang Meralco at ang mga power supplier.


Matagal na walang reaksyon si Noynoy hanggang sa may nagmungkahi na tanggalin na agad sa puwesto si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut, dating mambabatas at kaibigan nina dating Pangulong Gloria

Macapagal-Arroyo at asawa niyang si Mike.


In particular, gusto ng Akbayan partylist na sibakin si Ducut dahil sa kanyang kapabayaang imbestigahan ang taas-presyo ng Meralco.


Iniharap sa Palasyo ang reklamo at napilitan nang mag-issue si Noynoy ng isang babala na maaaring ma-suspend si Ducut. Pero sabi ng Palasyo ay mahabang proseso ang suspension kaya ang payo ni Communications Secretary Herminio Coloma ay mag-voluntary resignation na lang si Ducut.


No way, sabi ni Ducut. “My people need me,” sabi niya.

Matanggal kaya ni Noynoy si Ducut, gaya ng nagawa niya kay Merceditas Gutierrez, dating Ombudsman, at kay Chief Justice Corona sa tulong nina Bong Revilla, Manong Enrile, Jinggoy Estrada at iba pang mga senador?


The post KAYA BA NI NOYNOY SI DUCUT? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAYA BA NI NOYNOY SI DUCUT?


No comments:

Post a Comment