Wednesday, January 29, 2014

Panel of prosecutors sa kaso ni Vhong binuo ng DoJ

NAGTATAG na ang Department of Justice ng panel of prosecutors na hahawak sa patung-patong na reklamong kriminal na inihain ng actor/TV host na si Vhong Navarro sa mga nambugbog sa kanya.


Sa isang pahinang kautusan na pirmado ni DoJ Prosecutor General Claro Arellano, pinangalanan bilang miyembro ng panel sina

Asst. Olivia Torrevillas, Asst. Hazel Decena-Valdez, Asst. Marie Elvira Herrera.


Kabilang sa mga reklamong inihain ni Navarro kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Rance ay serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, illegal arrest at blackmail.


Sa hiwalay namang memorandum, inatasan ni Justice Sectary Leila de Lima si Arellano na tiyakin ang mabilis na pag-usad ng kaso.


Sakaling makitaan ng probable cause ang reklamo, dapat maisampasa korte ang kaso nang sa gayon ay makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga respondent.


Inatasan din ni de Lima si Arellano na regular na magbigay ng update sa Bureau of Immigration kaugnay sa estado ng kaso para matukoy ng kawanihan ang kaukulang aksyon na dapat nitong ipatupad sakaling magtangka ang limang respondent na umalis ng bansa.


The post Panel of prosecutors sa kaso ni Vhong binuo ng DoJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Panel of prosecutors sa kaso ni Vhong binuo ng DoJ


No comments:

Post a Comment