Tuesday, January 28, 2014

UPDATE: Pag-alis sa bansa nina Lee at Cornejo sisilipin

SISILIPIN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ulat na nagtatangkang umalis ng bansa patungong Singapore sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa gitna ng isyu ng pambubugbog sa It’s Showtime television host Vhong Navarro.


Sinabi ni NBI Director Virgilio Mendez na sinabi na niya ito kay Justice Secretary Leila de Lima para malaman kung anong hakbang ang dapat isagawa.


Inihayag ni Mendez na nakausap na siya ni Howard Calleja, abogado nina Lee at Cornejo, na nagtiyak naman na pupunta ang mga kliyente nito sa NBI.


Ayon sa mga source, lumutang ang pangalan ng dalawa sa integrated information at booking system ng Philippine Airlines (PAL) at batay sa rekord, nakapag-book ang dalawa ng pa-Singapore via PAL flight PR 503, alas-7:55 ng umaga ng Pebrero 6.


Napag-alaman na ibinook ang flight dalawang araw lamang ang nakararaan, sa gitna ng pagsabog ng isyu ukol sa kinahinatnan ni Navarro.


Sa ngayon, hindi pa “confirmed” ang booking dahil hindi pa ito nababayaran ng dalawa. Oras na mabayaran, iisyuhan na sila ng electronic ticket.


Hindi naman makumpirma ng airline sources kung mismong sina Lee at Cornejo ang nagpa-book ng biyahe.


Sa detalye naman ng source sa Bureau of Immigration (BI), wala pa ang pangalan ng dalawa sa Immigration watch list o hold departure order (HDO) na magpipigil sa kanila na lumabas ng bansa.


Inamin naman ng Immigration Intelligence personnel na nakatutok sila sa isyu at binabantayan nila ang mga posibleng pag-alis ng mga sangkot dito.


The post UPDATE: Pag-alis sa bansa nina Lee at Cornejo sisilipin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Pag-alis sa bansa nina Lee at Cornejo sisilipin


No comments:

Post a Comment