Wednesday, January 29, 2014

Buhay ipinambayad sa utang ng tanod sa utol

DAHIL sa kakulangang pambayad sa utang ay isang malalim na saksak ang tumama sa isang tanod mula sa sarili nitong kapatid sa Binmaley, Pangasinan.


Kinilala ang biktima na si Romme De Vera, 38, ng Brgy. Baybay Lopez sa nabanggit na bayan habang ang suspek ay ang nakababata nitong kapatid na si Jerry De Vera.


Nabatid na nag-iinuman ang magkapatid kasama ang isang kaibigan nang magkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahil sa utang.


Sinisingil ng suspek ang biktima ng P2,000 ngunit P1,500 lamang ang naibigay nito na ikinagalit ng nakababatang De Vera.


Dahil dito ay kumuha ito ng tubo at inihampas sa suspek na nakakuha naman ng itak at sinaksak ang nakatatandang kapatid.


Tinamaan ito sa tiyan na agad isinugod sa pagamutan habang ang suspek ay sumuko sa kapulisan.


The post Buhay ipinambayad sa utang ng tanod sa utol appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Buhay ipinambayad sa utang ng tanod sa utol


No comments:

Post a Comment