Wednesday, January 29, 2014

Pinakamataas na incumbent British official haharap kay PNoy

NAKATAKDANG humarap ngayong umaga kay Pangulong Noynoy Aquino upang makipagpulong si Right Honorable William Hague (MP), Secretary of State for Foreign and Commonwealth Affairs ng United Kingdom (UK).


Ayon sa ulat ng Malakanyang, si Hague ay kahapon pa nasa bansa kasunod ng naging imbitasyon ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.


Napag-alamang si Sec. Hague ang pinakamataas na incumbent British official na dumalaw sa bansa makaraan ang 25 taon.


Matapos ang courtesy call sa Pangulong Aquino mamayang alas 10, haharap din ang British official kay Vice President Jejomar Binay na sundan ng bilateral meeting kay Sec. Del Rosario.


Ilan sa mga inaasahang pag-uusapan ang partisipasyon ng UK sa reconstruction program sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda (Haiyan).


Magugunitang isa ang UK sa mga pinakamalaking donors na namahagi ng humanitarian aid and relief goods.


Ang UK Disasters Emergency Committee na binubuo ng 14 leading aid charities ay una ng umapela sa British community na nakalikom ng malaking assistance para sa Yolanda victims.


Maliban dito, tampok din sa agenda ang partisipasyon ng Mindanao peace agreement, extradition and mutual legal assistance, paglaban sa transnational crimes at pagpapalawak ng kooperasyon sektor ng trade, investment at turismo.


Nakatakda ring makipagpulong ang British Foreign Secretary sa mga prominenteng Filipino businessmen at CEOs para pag-usapan ang pagpapalawak din sa business partnership sa pagitan ng mga Philippine at British companies.


The post Pinakamataas na incumbent British official haharap kay PNoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinakamataas na incumbent British official haharap kay PNoy


No comments:

Post a Comment