Thursday, January 30, 2014

Bangkay ng babae, lumutang sa Ilog Pasig

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae habang nagpapalutang-lutang sa Ilog Pasig sa Barangay Pineda, kaninang madaling-araw.


Batay sa nakitang wallet at ID, kinilala ang biktima na si Cerila Maaliao, tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos, posibleng empleyado ng accounting department ng Veggie Goods Inc.


Wala namang nakitang tama sa katawan nito pero lampas 24-oras na ang bangkay dahil naaagnas at nangangamoy na.


Ayon sa pulis, hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang bangkay na lumutang sa naturang lugar.


Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.


The post Bangkay ng babae, lumutang sa Ilog Pasig appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay ng babae, lumutang sa Ilog Pasig


No comments:

Post a Comment