Thursday, January 30, 2014

UPDATE: Bebot na pinatay ng riding-in-tandem kilala na

ONSEHAN sa droga ang nakikitang anggulo sa babaeng binaril at napatay ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay nakaangkas sa isa pang motorsiklo sa Caloocan City Miyerkules ng madaling-araw, Enero 29.


Kinilala ang biktima na si Irene Secismundo, 38, ng Tondo, Manila na positibong kinilala ng mga kaanak sa pinagdalhang morgue sa una.


Base sa kuha ng Closed Circuit Television ng Barangay 28, ala-1:14 ng madaling-araw, ang angkas ang biktima sa hindi pa kilalang lalaki at tumigil sandali sa C-3 Road ng lungsod na tila may hinihintay.


Ilang saglit pa ay dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at tumapat sa biktima at tila nag-usap pa hanggang sa magbunot ng baril ang nagmamaneho ng motorsiklo ng mga suspek at pinutukan ang biktima.


Tumakas ang mga suspek habang kasamang bumagsak ang biktima sa inangkasan motorsiklo kung saan agad na itinayo ng inangkasan ng nasawi ang motorsiklo at mistulang hinabol ang mga suspek.


Nakunan din ng ibang CCTV ng barangay na naabutan ang mga suspek subalit nilagpasan lang at lumiko sa kasunod na u-turn slot na sinundan din ng mga huli hanggang sa makatakas lulan ng mga motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.


Nabatid na bago napatay ang biktima at nagawa pa nitong mag-text sa mga kaanak at nagbanggit ng mga pangalan na mga nagbabanta sa kanyang buhay matapos masangkot sa droga ang nasawi.


Hinala ng mga pulis na magkakakilala ang mga suspek, biktima at inangkasan ng nasawi kung saan inaalam na ang mga pagkakakilalanlan ng mga ito.


The post UPDATE: Bebot na pinatay ng riding-in-tandem kilala na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Bebot na pinatay ng riding-in-tandem kilala na


No comments:

Post a Comment