BINALAAN ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa mga ipinagbibiling gadgets na nangangakong gagawing alkaline o oxygenated water ang mga tap water o tubig na galing sa gripo.
Ang babala ay ginawa ng FDA matapos na makita sa merkado ang ilang uri ng vendo-type outlets at gadgets na nagsasabing kapag pinadaan dito ang tap water ay magiging alkaline ang mga ito.
Batay sa FDA Advisory 2014-010, hindi rehistrado sa kanilang tanggapan ang naturang mga gadgets.
Wala ring patunay na totoo ang alkaline water ay may health benefits, at nakakagaling laban sa mga karamdaman, mabisang antioxidants at nakapagpapabata.
“Although the FDA recognizes the United Nations General Assembly Resolution A/RES/64/292 (2010), which guarantees the right to safe and clean drinking water, therapeutic claims made on drinking water as a ploy to promote and market water must be substantiated through valid clinical trials,” bahagi pa ng advisory ng FDA.
Pinayuhan naman ni FDA Director Dr. Kenneth Hartigan-Go ang publiko na huwag magpabiktima sa mga naturang tiwaling tindero at tindera na nagtitinda ng naturang gadgets.
The post FDA nagbabala sa gadgets na nangangakong gagawing alkaline o oxygenated water ang tap water appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment