Friday, January 31, 2014

PERFECT PLACE FOR SCHOOL FIELD TRIP ANG PARADIZOO AT RESIDENCE INN

ang inyong lingkod hilda ong ANG Zoomanity group, ay ang leading company in theme park industry, bahagi ng Yupangco Group of Companies. Tinatanaw bilang isang World Class, maunlad at kalugod-lugod na pasilidad mula sa hilaga hanggang timog na bahagi ng Pilipinas na may mithiing magbigay ng pinakamabuting tourist destination and nature educational experiences.


Ang Paradizoo at Residence Inn ay may kakaiba at nakamamanghang disenyo upang makapagbigay ng galak at edukasyon sa mga bisita kahit anoman ang kanilang edad.


Ang pinakamagandang lugar para puntahan ng mga school field trip, ay ang Paradizoo farm, sapagkat dito ay magagawang pakainin, hawakan, at makapagpakuha ng souvenir photos ang mga estudyante kasama ang mga hayop.


Isang perfect place ang Paradizoo para sa buong pamilya, sigurado rin na maiibigan at magiging panghabambuhay na karanasan ng lahat, ang pagtungo sa Paradizoo na katangi-tangi sa ating bansa.


May mga parada ng hayop na masasaksihan ang mga bisita tuwing sasapit ang ika-10 ng umaga at alas-3 ng hapon.


Pagkatapos naman ng parada ay susunod ang animal show at photo taking kasama ang mga farm animal, na siguradong ikasisiya ng lahat, na sa Paradizoo lamang, totoong masasaksihan.


Mission/Vision ng Paradizoo

Upang maging pinakamahusay na Nature Theme Park sa bansa at higit sa lahat sa buong mundo na nakatuon sa apat na “E:”

1. Education – sa pamamagitan ng pag-alam sa flora at fauna, pagpapayaman at interaksyon sa ating mga parke at kagandahan ng ating paligid.

2. Environmental conservation – sa pamamagitan ng BIODIVERSITY, tulad ng obserbasyon sa general welfare, preserbasyon at paghimok sa Reuse, Reduce, Recycle, Refuse at Respect.

3. Exhibit ng flora at fauna – sa kanilang kinapapaloobang lugar na pinagmulan kung saan sila nabubuhay.

4. Entertainment – pangkalahatang kasiyahan, higit sa lahat pakikipagsapalaran at pambihirang karanasan.


The post PERFECT PLACE FOR SCHOOL FIELD TRIP ANG PARADIZOO AT RESIDENCE INN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PERFECT PLACE FOR SCHOOL FIELD TRIP ANG PARADIZOO AT RESIDENCE INN


No comments:

Post a Comment