Wednesday, January 29, 2014

Guardian malubha sa pamamaril sa Rizal

NASA malubhang kalagayan ngayon ang lider ng Guardian Brotherhood Association (GBA) sa Rodriguez, Rizal matapos pagbabarilin kaninang umaga.


Batay sa nakalap na impormasyon, nakatayo sa tapat ng isang tindahan sa Sub-Urban Village sa Barangay San Jose ang biktima nang dumating ang armadong suspek na naka-motorsiklo at pagbabarilin.


Hindi pa tiyak ng awtoridad kung may kaangkas ang gunman.


Dalawang bala ang tumama sa ulo ng biktima.


Isinugod na sa H-Ville Hospital ang biktima at patuloy na nilalapatan ng lunas.


Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung sino ang suspek sa naganap na insidente.


The post Guardian malubha sa pamamaril sa Rizal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Guardian malubha sa pamamaril sa Rizal


No comments:

Post a Comment