Thursday, January 30, 2014

Desisyon ng Ombudsman iaapela ni Revilla

MAGHAHAIN ng motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman ang kampo ni Senator Bong Revilla kaugnay sa desisyon na ibasura ang preliminary investigation ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).


Sinabi ni Atty. Joel Bodegon, legal counsel ni Sen. Revilla, ang apela ay upang muling kumbinsihin ang Ombudsman na may basehan ang kanilang apela.


Batay sa 13-pahinang kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, walang prejudicial question na maggagarantiya sa hinihiling na pagtigil sa imbestigasyon.


Maliban sa petisyon ni Revilla, ibinasura rin ang mosyon ng isa pa sa mga respondent sa pork barrel scam na si Richard Cambe.


Binigyang diin ng Ombudsman na hindi puwede sa kanila ang mga mosyon na magpapaantala lamang sa proseso.


The post Desisyon ng Ombudsman iaapela ni Revilla appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Desisyon ng Ombudsman iaapela ni Revilla


No comments:

Post a Comment