Thursday, January 30, 2014

Bebot binoga sa Chinese New Year revelry

ONSEHAN sa droga ang isa sa sinisilip ng pulisya hinggil sa pagpatay sa isang babae na isang kilalang drug pusher sa Quezon City kaninang madaling-araw.


Nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo at leeg at namatay noon din ang hindi nakikilalang bktima na inilarawang 35-40-anyos, medyo mataba, 5”2 at nakasuot ng duster.


Blangko naman ang QCPD-Criminal Invetigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang pumatay sa biktima pero malamang na may kaugnayan ito sa onsehan sa droga.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1 ng madaling-araw na ilang metro lamang ang layo sa Barangay post sa may Libya Street, Culiat, Q.C.


Ayon sa testigong si Kilam Abdul Kiram, itinaon ng suspek ang ingay ng putukan o Chinese New Year revelry ang pagbaril sa biktima.


Sa katunayan, kahit ang mga barangay officials ay walang narinig na putok ng baril dahil isinabay ang pagbaril sa biktima sa putukan.


Narekober ng 2 sachet ng shabu.


The post Bebot binoga sa Chinese New Year revelry appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot binoga sa Chinese New Year revelry


No comments:

Post a Comment