Thursday, January 30, 2014

Mga bahay nagkabitak, daang residente inilikas sa Misamis Oriental

DAANG mga residente ang ipinag-utos na ilikas mula sa dalawang sitio ng Barangay Look, Villanueva, Misamis Oriental.


Ito’y matapos maglitawan ang mga bitak sa tinatayang 50 kabahayan at maging sa lupain na kinatayuan nito sa nasabing bayan.


Ayon kay Villanueva town Mayor Julio Uy, agad nitong ipinag-utos ang preemptive evacuation matapos makaranas ng masamang panahon ang lalawigan.


Sinabi ni Uy, agad niya itong ipinaalam sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region-10 kung saan nagrekomenda rin ng mass evacuation sa lugar.


Sa ngayon tumutuloy ang tinatayang 50 pamilya sa kanilang municipal gymnasium.


Napag-alaman na ang lalawigan ng Misamis Oriental ang isa sa mga lugar sa Hilagang Mindanao na malubhang nakaranas ng malaking pinsala nang humagupit ang mga pag-ulan na dala ng low pressure area na naging bagyong Agaton noong nakaraang linggo.


The post Mga bahay nagkabitak, daang residente inilikas sa Misamis Oriental appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga bahay nagkabitak, daang residente inilikas sa Misamis Oriental


No comments:

Post a Comment