Friday, January 31, 2014

Grand opening ng Panagbenga Festival ngayon

IDARAOS ngayon ang pagbubukass ng Panagbenga Festival 2014 na kinasasabikan ng mga tao sa siyudad ng Baguio.


Ayon kay Baguio City Councilor Richard Carino, magsisimula ang parada sa South Drive at dadaan ito sa Session Road, Magsaysay Road patungong Athletic Bowl ng siyudad.


Ayon sa konsehal, sa Athletic Bowl idaraos ang taunang street dancing elimination round contest at ang mga mananalo ay lalahok naman sa grand street parade sa Pebrero 22.


Dahil dito, nagbabala ang opisyal sa mga motorista na huwag magparada sa mga kalsadang dadaanan ng nasabing aktibidad para hindi makaapekto sa nasabing event.


The post Grand opening ng Panagbenga Festival ngayon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Grand opening ng Panagbenga Festival ngayon


No comments:

Post a Comment