Wednesday, January 29, 2014

SABWATAN NG HANJIN AT DOLE REGION 3

ito ang totoo ITINAGO sa mga kinauukulan sa Subic Freeport ng Korean Shipbuilding firm na Hanjin ang pinakahuling pagkamatay ng isa na namang manggagawa nito habang nagtatrabaho.


Ito Ang Totoo: namatay sa pagkasunog ang welder na 26 na taong gulang na si Bonifacio Palarca nitong nakaraang linggo nang sumabog ang hose na gamit nito.


Ayon sa mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), hindi nag-report ang Hanjin sa SBMA Labor Department, Law Enforcement Department o kahit sa opisina ni Chairman Roberto V. Garcia.


Sa halip, sa regional office ng Dept. of Labor & Employment (DOLE) sa kapit-bahay na lalawigan ng Pampanga ini-report ng Hanjin ang insidente.


Lumalabas na layon talaga ng Hanjin na itago ang insidente, sukdulang bastusin at balewalain ang SBMA na tagapamahala ng Subic Freeport kung saan naroroon ang Hanjin Shipyard.


Lumalabas din na tila may unawaan ang Hanjin at regional office ng DOLE sa gitnang Luzon na sila na lang ang magkakaalaman.


Hindi dapat palampasin ni Chairman Garcia ang paglapastangan ng Hanjin sa SBMA at mas lalong hindi dapat palampasin ang patuloy na pagkamatay ng mga manggagawang Filipino habang nagtatrabaho sa kompanya ng Koreano.


Kahit ang mayor ng bayan ng Subic na si Jay Khonghun ay hindi dapat tumatahimik, gayundin ang Subic Police Office.


Kapag may nasaktan, lalo na kung may namatay, dapat kumikilos din ang pamahalaang bayan ng Subic at kapulisan nito dahil kahit nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng SBMA ang Hanjin, nasa lupain naman ng naturang bayan ang lupang kinatitirikan ng yarda nito.


Ito Ang Totoo: mas dapat na bago pa may mamatay na namang manggagawang Filipino, kumilos na ang pamahalaang bayan ng Subic, SBMA, PNP, Senado, Kongreso at maging si Pangulong Benigno Aquino.


Sa nakalipas na dalawang linggo lamang, bukod sa namatay, meron ding mga manggagawang nasaktan, tulad ng nadaganan ng “plantsa”, lahat bunga ng kapabayaan ng Koreanong Hanjin management na walang pakialam sa kaligtasan ng mga Pinoy.


Sobra na ang taunang may namamatay, bukod pa sa mga nalulumpo at naiimbalido dahil sa kakulangan, kung hindi kawalan ng sistema at gamit para maging ligtas ang pagtatrabaho ng mga Filipino sa Hanjin.

Magsikilos na kayo! Ito Ang Totoo!


The post SABWATAN NG HANJIN AT DOLE REGION 3 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SABWATAN NG HANJIN AT DOLE REGION 3


No comments:

Post a Comment