POSIBLENG isailalim na sa lookout bulletin ng Department of Justice ang mga nambugbog sa actor/TV host na si Vhong Navarro.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, naghihintay na lamang ang kagawaran ng pormal na letter-request mula sa panig ni Navarro o di kaya ay ng NBI.
Sa panig naman ng Bureau of Immigration, tiniyak ni Commissioner Sigfried Mison ang pag-aksyon ng kawanihan sakaling may utos na magmumula kay De Lima para mailagay sa look out bulletin sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang mga inireklamo sa pambubugbog kay Navarro.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ulat na nagpa-book sina Lee at Cornejo ng flight patungong Singapore.
Sinabi naman ng abogado ni Navarro na si Atty. Dennis Manalo na pag-aaralan din nila ang paghiling sa DOJ na maisailalim sa look out bulletin sina Lee at Cornejo.
Si Manalo ay nakipagpulong kaninang tanghali kina Justice Undersecretary Jose Justiniano at Witness Protection Program Director Martin Menez, pero hindi naman nila ibinunyag sa media kung ano ang kanilang napag-usapan.
The post Lee, Cornejo et al isasailalim sa lookout bulletin appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment