Friday, January 31, 2014

Carmina sa ‘Got to Believe’ larawan ng kasamaan

DINGDONG DANTES is excited to work again with director Erik Matti. Happiness personified ang kanyang relationship with Marian Rivera. Wala na syang mahihiling pa. Big hit sya sa appearances kung saan-saan maski na ‘di naman talaga singer.


Kunsabagay ang mukha at katawan lang nya ang pakialam ng fans. His career will change soon when he gets married.


Papasok na ang mga bagong heartthrobs.


Rafael Rosell is making a lot of fans happy with his show “The Borrowed Wife.” Sexy pa rin ang actor dahil alaga naman nya talaga ang kanyang katawan. Paborito nya ang buko ngayon kaya malamang tawagin na rin siyang “Bukol King,” ha, ha. Maski na may konting controversy dahil lang sa issue ng call center people, ayos naman ang TV serye. Buhay na naman ang kanyang romantic life dahil may love angle na syang pinagtutuunan. Buti naman kasi maski paano eh, 31 years old na sya. Iba ang dating ng in love sa screen kaysa sa ibang tuyot na damdamin.


Carmina Villaroel is doing great with her role in “Got to Believe.” Ang galing nya bilang kontrabida sa loveteam ni Joaquin/Ryan at Chichay Ang sarap nyang sampalin, ha, ha. Kung mura lang ang TV, malamang maraming basag na TV screen para magantihan mo ang kalukahan nya. Minsan mapagmahal na ina, selosang asawa naman tapos bitchy wife at protector ng kanyang pamilya. Sa ganda nyang ‘yan, kita mo na may maraming mukha talaga ang kasamaan. An acting award soon for her?


Enrique Gill is going to make a lot fans love him in “Mira Bella.” Sabik na ang mga tagahanga para mapanood uli sya. Nasa Belo calendar nga pala kung gusto nyo siyang makita in celebration on March 30 para sulit ang kanyang royal status na hottest heartthrob now.


Fanny Serrano celebrated his birthday last February 1. He just turned 66. Makulay ang kanyang buhay at career, here’s hoping for more success. He has a fashion show on February 14 entitled “Fabe Love Fashion Show” at the Grand Ballroom of Luxent Hotel with the the exquisite gowns of Leo Almodal and Fanny Serrano.


Dessa is back in town from Las Vegas. Her father is sick kaya naman fly agad ang magaling na singer para dumalaw. Wala naman syang kyemeng mag MRT at sumakay uli ng jeep kasama ng maraming tao. Wala namang ere dahil nagpakatotoo lang dala ng coding sa sasakyan. After spending time with her dad in the hospital, nakapagsamba pa sya. Very Pinoy ang style, ‘di ba?


Jolina Magdanga is excited to have her new baby soon. Buti naman para makapagpahinga na agad sya at makabalik sa showbiz. Sayang ang talent na naka-set aside lang.


The post Carmina sa ‘Got to Believe’ larawan ng kasamaan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Carmina sa ‘Got to Believe’ larawan ng kasamaan


No comments:

Post a Comment