WALANG nakikitang problema ang Department of Justice hinggil sa magkakahiwalay na imbestigasyon ng iba’t ibang ahensya at sangay ng gobyerno sa isyu ng big time power rate hike.
Naniniwala ang DoJ na walang conflict of interest sa isyu ng magkahiwalay na siyasat ng Office for Competition ng DOJ, ERC, DOE, Senado at Korte Suprema.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, unang-una ay hindi naman sakop ng TRO ng Korte Suprema ang imbestigasyon ng iba’t ibang ahensya.
Ang pinigil lamang aniya ng KS ay ang pagpapatupad ng P4.15 na pagtaas sa kada kilowatthour na singil ng Meralco.
Sa pagkakaalam din ng kalihim, kumukuha naman ng mga dokumento at impormasyon ang OFC mula sa ERC, DOE at hinihingi na rin nito maging ang transcript ng imbestigasyon sa Senado.
The post Imbestigasyon sa power rate hike walang problema – DoJ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment