Wednesday, January 29, 2014

Kelot minartilyo sa ulo ng ex-dyowa

SUGATAN ang isang lalaki nang hatawin ng martilyo ng kanyang dating ka-live-in sa Quezon City kagabi, Enero 29.


Bukod sa putok sa ulo, duguan din ang tainga ng biktimang si Anthony Mendoza nang hampasin naman ng stapler ng suspek na si Andrea dela Cruz.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-10 kagabi, Miyerkules sa bahay ng suspek sa Cubao, Barangay Silangan, Q.C.


Bago ito, pumasyal ang biktima sa bahay ng dating karelasyon upang makita ang kanilang anak.


Pero imbes paunlakan, sinalubong ng saksak ng suspek ang biktima pero naawat ng tatay ni Dela Cruz.


Nadampot naman ni Dela Cruz ang martilyo at hinataw si Mendoza sa ulo.


Pagdating naman sa QCPD-Station 7, hinampas pa ulit ni Dela Cruz ng stapler ang tenga ni Mendoza.


Inaresto si Andrea at ama nito na tumulong sa pananakit kay Mendoza.


Ayon kay Dela Cruz, ginawa niya iyon dahil gusto na niyang lubayan siya ng dating nobyo dahil sinasaktan siya nito.


Depensa naman ng ama ni Dela Cruz, umawat lang siya sa away ng dalawa.


Desidido naman si Mendoza na magsampa ng kasong physical injury laban sa mag-ama.


The post Kelot minartilyo sa ulo ng ex-dyowa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot minartilyo sa ulo ng ex-dyowa


No comments:

Post a Comment