HINIKAYAT ni Rizal Park spokesman at abstraction painter na si Kenneth Montegrande ang mga showbiz personalities at art collector at enthusiasts na dumalo sa isang pre-Valentine art exhibit na naglalayon na makatulong sa mga kababayan nating Pilipino sa Eastern Visayas partikular na sa lugar ng Butuan City na patuloy na nakararanas ng hagupit ng bagyong “Agaton.”
Sa kanyang ikalawang solo art exhibit na may temang “JUAN HeART, 1 Nation: Art With A Heart” na nakatakda sa Ristorante de Amore sa City State Tower Hotel, Mabini street, corner Padre Faura street, Ermita, Manila sa February 3, 6:00 ng gabi, nais ni Montegrande na madagdagan pa ang mga natutulungan sa pamamagitan ng pagbili ng art collectors ng kanyang mga obra.
Inaasahang 20 porsiyento ng kikitain sa naturang for a cause art exhibit ay mapupunta sa ALC Foundation na ihahatid naman sa mga biktima ng nabanggit na kalamidad.
Aniya, maliban sa intensyong gawing investment o koleksyon ang isang obra, mas magiging makabuluhan ang mga ito kung alam nating tayo ay makatutulong din sa pamamagitan ng pagbili nito.
Matatandaang na noong nakalipas na November 29, 2013, naging matagumpay ang kauna-unahang solo art exhibit ni Montegrande.
Tinatayang 100 pamilya mula sa Eastern Samar ang nabahagian ng tulong nito matapos siyang magtungo rito kasama ng ilang kaibigan noong December 13-15, 2013.
Samantala, sinabi naman ni City State Tower Hotel owner D. Edgard Cabangon na dahil na rin sa buwan ng mga puso, maaari ring magkaroon ng one-night stay with two breakfast sa nabanggit na hotel ang bawat art collector na bibili ng obra ng nabanggit na abstractionist painter.
The post Pre-Valentine art exhibit ayuda sa Yolanda victims appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment