KUNG ‘yung mga beteranong talent manager ay hindi naman nang-iisnab ng reporter kahit na ‘di close sa kanila, aba’y itong manager ni Sam Milby at ng iba pang artista na si Erickson Raymundo ay tila mahilig talagang mangdedma ng press na ‘di niya type.
Sa Facebook account nga nito, kahit dalawang beses na kaming nag-attempt na ma-accept niya ‘yung aming friend request. Wala lang. Parang ‘di kami nag-e-exist sa taong ito na feeling bigtime talent manager na.
Ngayon, super emote siya sa mga katsikang reporter sa hindi magandang outcome ng pelikula ni Eugene Domingo na “Kimmy Dora, Ang Kiyemeng Prequel”, sa nakaraang Metro Manila Film Festival kung saan isa siya sa mga producer. Mukhang may halong pagsisi pa ang yabangerong manager kung bakit nila isinali ang movie ni Uge sa MMFF.
Well ang sagot diyan, kaya minalas ang pelikula n’yo ay dahil pasosyal ka at namimili ka ng kausap mo sa press. Kung ang kasosyo mo na si Piolo Pascual sa movie outfit n’yo ay parating nakangiti kapag may nakasasalubong na reporter (close man sa kanya o hindi) kabaligtaran ka naman dahil isnabero ka.
Masuwerte ka, Erickson at binuild-up ng ABS-CBN si Sam Milby dahil kung hindi ay wala kang sikat na alaga ngayon. Yes, aside kay Sam at Yeng Constantino, puro nameless na ang mga talent mo. Naku! Kahit nga si Uge, ay mukhang namamana na ang ugali mo, noh! Hay, kainis ka gyud!
###
Pilot episode ng “The Legal Wife” nilampaso sa rating ang katapat na serye ni Jennylyn Mercado
SA pilot episode ng mala-pelikulang teleserye na “The Legal Wife” kung saan sa opening nito ay ipinakita ang magulong pagsasama ng mag-asawang batang Javier (James Blanco) at batang Eloisa na ginagampanan naman ni Neri Naig.
Masyadong seloso si Javier at sinomang lalaki ang madikit kay Eloisa ay kanyang pinagseselosan na umabot pa sa pisikilan at pagpapalayas sa kanyang asawa. Naiwan kay Javier ang dalawang anak na lalaki na sina Javy at Jasper samantalang tanging si Monica (Xyriel Manabat) lang ang naiwan kay Eloisa nang bumalik ito sa kanilang probinsiya.
Muli silang nagkita ng unang lalaking minahal na batang si Dante (Matt Evans). Nagsama sila nito sa iisang bubong at inako na ni Dante na parang tunay niyang anak si Monica. Masaya ang kanilang pagsasama lalo na’t bibo at madalas sumali sa singing contest at kung ano-ano pang contest ang anak nilang si Monica. Hanggang isang araw ay isang telegrama mula sa Manila ang tinanggap ni Eloisa kung saan ibinalita sa kanya na namayapa na ang ama ng lalaking pinakasalan na si Javier Santiago. Masakit man sa loob ni Eloisa na magkakahiwalay silang muli ni Dante ay sinunod pa rin nito ang kanyang sarili na ang tanging hangad ay mabawi ang kanyang dalawang anak kay Javier.
Humiling si Dante na sa huling pagkakataon ay pagbigyan siya nang samahan ang kanyang mag-ina sa Manila. Pero ‘yun na pala talaga ang huli dahil hindi na pinakawalan pa ni Javier sina Eloisa at Monica. Nagsama sila tulad ng dati na isang pamilya pero sa pagkakataong ito ay mukhang malaki na ang ipinagbago ni Javier at ‘di na nito sinasaktan si Eloisa at unti-unti rin niyang ipinapakita ang kanyang pagmamahal kay Monica na hanggang ngayon ay ang kinilalang ama na si Dante pa rin ang hinahanap.
Wala kang masasabi sa production values at mahusay na direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao sa “The Legal Wife” na dahil sa ganda ng istorya ay nilampaso agad sa rating na 21% ang katapat na Rhodora X ni Jennylyn Mercado na nakakuha lang ng 11%. Ito ay base sa National Ratings last January 27(Monday) para sa Urban at Rural Primetime. Kaya subaybayan gabi-gabi ang kuwento ni Monica sa teleseryeng punom-puno ng emosyon sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng “Got to Believe” na consistent din sa mataas nilang ratings na 29.8%.
You’re My FOREIGNOY Ng Eat Bulaga, click na click sa televiewers
KAYA naman hataw sa ratings at ‘di matalo-talo ng katapat na show ang Eat Bulaga, kasi ‘yung mga writer ng EB ay unique mag-isip ng segment na puwede nilang ilagay sa programa. Tulad ng napapanood ngayong “You’re My FOREIGNOY” na click na click sa televiewers nationwide. Imagine! Mga 100% foreigners ang mga contestant dito na may pusong Pinoy kaya marami agad ang naging interesado na sumali sa contest.
Yes, ganyan karami ang mga banyaga sa ating bansa dahil ‘di lang sa kanilang mga partner in life kundi napamahal na rin sa kanila ang Pilipinas. At tulad ng nakararami, lahat sila ay certified Dabarkads at avid viewer ng Bulaga. Kaya subaybayan araw-araw ang mga kalahok dito at tiyak na hindi lang kayo maaaliw sa kanila nang sobra kundi mapahahanga rin kayo sa galing magsalita ng Tagalog ng mga sumasali rito. Tulad na lang nina Nathan Biggs ng England at Nathan Squersato na mula sa Italy. Ipinakita ng mga ito sa lahat ng mga manonood ang kanilang pagiging Pusong Pinoy.
Siyempre, malalaking cash prize rin ang puwedeng mapanalunan ng mga daily winner at weekly winner sa You’re My FOREIGNOY. Catch and watch them gyud!
The post Pelikula ni Eugene Domingo, minalas dahil malas din ang isa sa mga producer appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment