Friday, January 31, 2014

Aspiring model ginahasa ng talent agent

WASAK ang kinabukasan ng isang nangangarap na maging modelo nang pagsamantalahan ng pekeng talent agent ng isang men’s magazine sa Quezon City.


Kinasuhan na nitong Biyernes ng tanghali sa Quezon City court ng rape at grave threats ang suspek na si Rudy Molina, 37, nang magsampa ng reklamo sa pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Marimar, 16-anyos.


Nabuko rin na isa palang security officer si Molina na residente ng Caloocan City sa isang real estate development company at hindi talent agent ng FMH magazine tulad ng kanyang pahayag.


Ayon sa biktima, nakaistambay siya noong Nobyembre 13, 2013 sa isang mall sa Novaliches nang lapitan ng suspek at alukin na maging modelo sa nasabing men’s magazine.


Tatlong araw aniya ang lumipas, tinawagan siya ng suspek at sinabing bibigyan siya ng P65,000 bilang paunang kabayaran sa pagmomodelo.


Pero bago ibinigay, sinabi ni Molina na nais niyang makita muna ang hubog ng katawan ng biktima.


Sa pag-aakalang lehitimo ang pakay, sumama ang biktima sa isang motel sa Barangay Sta. Monica, Novaliches pero pinagsamantalahan siya ng suspek.


Hindi pa nakuntento, muling nagparamdam ang suspek sa biktima at nagbanta pa na ilalagay ang kanilang sex video sa Internet kapag hindi mauulit ang kanilang pagtatalik.


Sa puntong ito, ipinagbigay alam na ng biktima sa kanyang nanay ang kanyang sinapit.


Nahuli si Molina sa inilatag na entrapment operation ng pulisya malapit sa Nova Proper Barangay Hall sa Novaliches.


The post Aspiring model ginahasa ng talent agent appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Aspiring model ginahasa ng talent agent


No comments:

Post a Comment