Friday, January 31, 2014

Glaiza de Castro, nakikipagtalik sa patay

IBANG Glaiza de Castro ang mapapanood sa stage play na sinulat ni William Faulkner, ang “A Rose For Emily”, na tungkol sa necrophilia. Si Glaiza ay magpapaka-daring at bold sa stage play na ngayon lang niya gagawin. Imagine, gagawin niya ang intimate scenes sa isang bangkay na lover niya na gagampanan ni Ken Chan.


Gagawin na ito ni Glaiza dahil mature actress na siya ngayon. Last January 21 ay nag-celebrate si Glaiza ng kanyang 25th birthday kapiling ang mga cancer patient kung saan siya’y nagpa-lunch at nag-gift giving sa mga pasyente sa isang ospital. Huling soap ni Glaiza sa GMA ang Temptation of Wife at Katipunan.

Mapapanood din ang aktres sa movie na Catleya na inspired sa istorya ng mga OFW na nagiging drug mule. Idinirek ito ni Dennis Marasigan at kinunan pa entirely sa Hong Kong. Ang premiere night ay sa February 3, Cinema 7, SM Megamall at 7pm.


Ang “A Rose for Emily” ay ibang klaseng love story. Dito’y sobrang in love si Glaiza kay Ken. Gagawin niyang lahat huwag lang mahiwalay sa kanya si Ken hanggang lalasunin niya ito at mapapatay. ‘Di niya ililibing si Ken at kanyang itatago sa kanyang mansion. Malalaman lang ng mga tao ang namamahong katawan ni Ken.


Ginawa muna ni Glaiza ang stage play in English para mapaiba naman ang dimension ng kanyang acting. Gusto naman niyang i-try ang stage, live na live siyang mapapanood. Bukod pa sa ibang acting ang ipakikita niya na tunay na walang cut na ibibigay ang director. ‘Di tulad sa TV o pelikula na madalas sumigaw ng cut ang director kapag sumasablay sa acting ang artista.


Ka-partner niya ang 20-year-old new actor ng GMA 7, si Ken ng Artist Center.

Parehong baguhan sina Glaiza at Ken sa stage play pero pasado agad ang dalawa kay Prof. Cesar P. Macaspac, ang script consultant and director ng play. Katulong ni Prof. Macaspac bilang associate director si TJ Andaya.


Mapapanood ang “A Rose For Emily” sa Saturday, February 1, sa KB Gym sa Malolos, Bulacan. May dalawang showing ang “A Rose For Emily” na puwedeng panoorin ng fans nina Glaiza at Ken: 10am at 3pm.


Makakasama ni Glaiza sa isang pivotal role ang kanyang younger brother na si Alcris Galura na mapapanood ngayon sa soap na Annaliza ng ABS-CBN 2. Kasama rin ang stage actor na si Amante Pulido.


Special event ang stage play nina Glaiza at Ken sa mga taga-Bulacan. Isa ito sa proyektong pangkabataan ng lalawigan kaya darating bilang special guest si Vice Governor Daniel Fernando at ang president ng Bulacan State University na si Dr. Mariano de Jesus.


Si Vice Gov. Daniel ay isang actor din. Madalas na rin siyang lumabas noon sa stage play.


Napapanood din siya sa mga soap opera ng GMA 7 at ABS-CBN 2.


The post Glaiza de Castro, nakikipagtalik sa patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Glaiza de Castro, nakikipagtalik sa patay


No comments:

Post a Comment